KILATIS

Panday-Lipunan

by Kit “Kilatis” Lagare

posted 1.1.11

1:01 am

 

 

KILOS PINOY, 2011

 

KUNG WALANG KURAP WALANG MAHIRAP

Kapwa-Pinoy, kung walang kurap walang mahirap ang sigaw ng kampanya ni noon ay presidentiable, Senador Benigno S. Aguino III. Tinutukoy at mariing tinutuligsa sa slogan na ito ang mga KAWATAN sa pamahalaang Gloria Macapagal-Arroyo na siyang naging sanhi sa kalunos-lunos na kalagayan ng sambayanang Pinoy.

Ang mas makakaraming Pilipino ay sang-ayon sa sigaw na iyon, kaya lampaso ang inabot ng kandidatong lantarang suportadado ng dating pangulo, sa nakaraang halalan. Pati na ang mga kandidato na pinaghihinalaang pala (mule) ni Arroyo ay sa kangkongan din pinulot.

Ang resulta ng nakaraang halalan, kung saan ang dalawang kandidatong nagbakbakan sa unang puwesto ay ang nagwagi na si PNoy, habang pumangalawa si Erap, ay patunay na mulat ang sambayang sa pagka GANID, MANHID, at ABUSADO ng nakaraang despensasyon.

Ang mga dahilan din na ito ang nagtulak sa mga MAKABAYANG sundalo na gampanan ang nasaad sa Saligang batas ng Pilipinas: “ARTICLE II, DECLARATION OF PRINCIPLES AND STATE POLICIES - Section 3. … The Armed Forces of the Philippines is the protector of the people…. Kaya naman nararapat lamang na iurong na lahat ng mga kaso laban sa mga sundalong nanindigan para sa kapakanan ng bayan. Dapat ding ilagay sa tamang tuno ang sintunadong Amnesty Program kung saan papatawan ng parusang hindi na maaring ibalik sa Sandatahang Lakas ang mga opisyal na sundalong tumupad lamang sa kanilang tungkulin sinumpaang tungkulin. Ganun din ang mga dating kawani na naging weyselblower.

Kailangan pa bang may may mapayring skwad uli, ala Lim Seng noong panahon ng dating pangulong Marcos, para maintindihan ng SHAM plus ONE na mga Hurado sa Korte Suprema ang pangangailangan ng nagkakaisang paninidigan at prinsipyo para masugpo ang mga KAWATAN sa kaban ng bayan? Tila lasing o durog sa kapangyarihan ang mga naiwang kasabwat ni GMA sa pamahalaan. Pakiwari nila sila’y hindi kayang masaling ninuman.

Kailangan pa bang ipamukha sa mga ito (SHAM plus ONE) na bukong-buko na sa mga Pinoy ang ginagawa nilang pag protekta kay GMA? Ilan dito ay ang “Executive Privilege” noon at ngayon naman ay ang “Equal Protection Clause.” Hindi ba abot ng kanilang pag-iisip na kahit sila ang kataas-taasang hukoman, ang taumbayan pa rin ang boss nila?

Sa isyu ng “Truth Commission” simpe lamang ang hatian ng panig. Ang labanan ay TAUMBAYAN kontra GLORIA MACAPAGAL-ARROYO et al. At, kumo kumanpi kina Gloria et al ang SHAM plus ONE na mga Hurado at ang Punong Hurado, maliwanag na sila at kalaban ng Sambayanang Pilipino.    

KORYENTE’Y TANSO, PRESYO’Y GINTO

Trenta porsiyento lamang ng kasalukuyang presyo ng kuryente ang dapat na binabayaran ng mga konsyumer. Ito ang lumalabas sa sumada ng mga awtoridad sa larangang ito. At, kung pagtuonan lamang ng kaukulang pansin ng Department of Energy at ng Joint Congressional Committee on Energy ang kinabukasan ng Atomic Electricity, lalo pang bababa ang presyo ng kuryente na aabot na lamang sa kalahating kusing, bawat KWH. Piso at siyamnapu’t limang sentimo ang kasalukuyang singil. Pero kung pagsasama-samahin lahat ng binabayaran, aabot sa sampung piso at limampu’t tatlong sentimo.

Ang mahal ng presyo ng kuryente ay nagdudulot ng domino effect sa ekonomiya. Lahat ng presyo at tumataas. Sana maisip ni Congresswoman Henedina R. Abad ng Lone District ng Batanes, kung anong ginhawa ang idudulot ng murang kuryente, kagaya ng sa China, sa kapwa-Pinoy at sa bansa.

Problema nga lamang, aruk o naiintindihan kaya ni Congressman Abad ang pasikot-sikot at paikot-ikot sa Committee on Energy, samantalang siya ay 1st Termer pa lamang. Isa pang problema ay si Senador Sergio Osmenia. Siya ay kilalang nakatapi sa pisi na konektado sa mga negosyante ng koryente. At, kaduda-duda ang ginawa niyang pagbitin sa kompirmasyon ni DOE Secretary Jose Rene Almendras, samantalang wala namang kumokontra.

Si Secretary Almendras ay pursigidong isaayos ang patakaran at pamamahala sa sektor ng kuryente upang kapwa-Pinoy ay talagang makikinabang, at hindi ang iilan lamang na mga lubos na pinagpala. Mayroon din misyon sa kanya si PNoy ang alamin kung totoo nga bang nambubukol sa presyo ng mga transformer ang isang distrebyutor ng koryente, upang maitaas ang husto ang presyo, ayon sa ating impormante.

PROGRAMANG PABAHAY   

Ang problema sa trapik, malaking pambansang gastos pambili ng imported na langis, air pollution, water pollution, problema sa kalusugan, ay ilan lamang sa mga maaring masolusyunan sa pamamagitan ng programang pabahay.

Ang mga nagtatrabaho sa Quezon City ay sa Makati nakatira. Mga estudyante sa mga paaralan sa Maynila, sa Quezon City nakatira, etcetera, etcetera…. Ito ang malaking kontribyutor sa mga sanhi at dahilan ng mga nabanggit na problema, lalo na sa kalakhang Maynila at sa iba pang malalaking siyudad.

Ang National Housing Authority ay kailangang amiyendahan. Wala po itong ngipin sa ngayon. Inutil. Hindi kagaya ng Ministry of Human Settlement noon nakapagpapagawa ng mga Bliss Housing Projects. Ang mga kahalintulad ng proyekto ang kinakailangan sa ngayon. Kaunting modipikasyon lang ang kailangan, ng mga kagaya halimbawa sa pontong dapat ay paupahan lang ang mga ito, at ang ginawa ni dating MMDA Chairman Bayani Fernando, Gwapotel, ay maganda nang umpisa. Medyo kalikutin na lang ng konti para puwedeng pampamilya. Panahon na para gamitin sa mga proyektong pabahay ang mga nakatiwang-wang ng mga lupain sa Quezon City, reclamation area, at iba pa.

Sa mga bansang katulad ng Saudi Arabia, kasama sa rekisetos para makakuha ng pahintulot sa pagtatayo ng negosyo, ang pabahay sa mga magiging empleyado.

Kung may subsidy sa bigas ang goberno, dapat din meron sa pabahay. Ang problema nga lamang, kaya bang bumalangkas ng ganitong patakaran ang kongreso gayong marami sa mga kongresista ay umaasang makahingi ng pondo kay Senador Manny Villar, sa darating na halalan?

Ang sundot-sagad, kung hindi man makatulong sa kapwa-Pinoy ang sinumang kawani ng pamahalaan, huwag namang magpabigat pa.

0ooo0

Nawa'y biyayaan NIYA tayo ng KALUSUGAN, DUNONG, at LAKAS-NG-LOOB na harapin ang anumang pagsubok na darating sa buhay natin sa papasok na taon, 2011.

0ooo0

·         Panoorin ang KILATIS LIVE on iTV, 2 to 3 pm, Monday to Friday, at ang Kilatis Media Forum, 10 to 12 pm, Fridays & Saturdays. Mag log on sa: www.batasmedia.com

·         Mababasa din ang Kilatis Kolum sa News Update.

·         Para sa ibang pang balitang Kilatis, mag log on sa: www.kilatispandaylipunan.weebly.com


KILATIS
By Kit “Kilatis” Lagare
Posted 11 December 2010
12:37 pm


ESPIRITU NG BATAS


KUDOS SA MATATAG ang paninindigan ni PNoy:  “Hindi ako papayag na apihin ang sambayanang Pinoy!” Ito ang kanyang tinuran matapos ideklara ng sham na hurado (bukod kay Chief Justice Corona), na labag sa saligang batas ang Executive Order (EO) No.1 – lumikha ng Truth Commission. 


Ang kanilang (mga Hurado) matunog na argumento (o argagomento), nilabag ng naturang EO ang “Egual Protection Clause” ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas kung saan ito ang nakasaad: “ARTICLE III BILL OF RIGHTS Section 1. No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws.” 


Sa ating wika natin: “Walang sinuman ang maaring pagkaitan ng BUHAY, KALAYAAN, o PAG-AARI nang walang kaukulang proseso alisunod sa batas. 
Ano naman ang DUE PROCESS, o kaukulang prosesong alinsunod sa batas? Bunsod ng EO, mapagkakaitan ba ng due process ang dating pangulo?
Sa maikling salita ito ay mahigpit na utos ng MAKAPANGYARIHANG MAMAMAYAN FILIPINO (the Sovereign Filipino People) sa pamamagitan ng saligang batas, na bigyan ng kaukulang ABISO at PAGDINIG bago HATULAN, ang sinumang akusado o pinararatangan ng anumang paglabag sa batas. Ito ba ay MAKATARUNGAN para sa lahat? Opo. 


Ito ba ay makatarungan para sa dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo? Ito ba ay makatarungan para sa sambayanang Pilipino? Matunog na argumento ba ang naging batayan ng Korte Suprema sa paggawad ng KATARUNGAN o ito ay isang ARGAGOMENTO DE BOBO? 


Para maliwanagan tayo, kilatisin po natin kung anong klaseng hayop nga ba ang “EQUAL PROTECTION CLAUSE.”


BANAL NA KARAPATANG MAGHARI (Divine Right to Rule). Ito ang kalakaran noon sa marami panig ng mundo. Ang hari ay walang pananagutan sa kahit sino dito sa lupa dahil siya ay itinakda ng Dakilang Arkitekto ng Sanlibutan. Lahat ng tao sa kanyang nasasakupan ay mga alipin lamang. Hindi uso ang KARAPATANG PANTAO. Ito ang umiiral na situwasyon sa pagitan ng Great Britain at America noong sinaunang panahon. Kahalintulad din ng situwasyon ng ating bansa at ng bansang Espanya na sumakop sa atin noon, sa loob ng mahigit tatlong siglo.


NAPUNO NA ANG SALOP. Hindi na kinaya ng mga mamamayang Amerikano ang PAGKA-AROGANTE, PANGUNGULIMBAT, PAGYURAK sa kanilang pagtakatao at samo’t sari pang kaapihang natamo ng kanilang lipi. Isang Amerikanong tumutugon sa pangalang Patrick Henry ang nanindigan ng: “GIVE ME LIBERTY, OR GIVE ME DEATH!” Ibigay ninyo ang aking KALAYAAN, o ibinigay ninyo ang aking KAMATAYAN, aniya. Nagkaisa ang mga Amerikano at kanilang ideneklara ang kanilang kalayaan noong July 4, 1776. Ano ang kanilang batayan?


IBINASURA nila ang pangguyong BANAL NA KARAPATANG MAGHARI kapalit ng paniniwalang ”ALL MEN ARE CREATED EQUAL.” Ang paniniwalang ito ay siyang naging puso ng DEMOKRASYA: “We hold these truths to be self-evident, that all men are created equal, that they are endowed by their Creator with certain unalienable Rights, that among these are Life, Liberty and the pursuit of Happiness. That to secure these rights, Governments are instituted among Men, deriving their just powers from the consent of the governed, That whenever any Form of Government becomes destructive of these ends, it is the Right of the People to alter or to abolish it, and to institute new Government, laying its foundation on such principles and organizing its powers in such form, as to them shall seem most likely to effect their Safety and Happiness.”


MASAKLAP nga lamang, hindi napangatawanan ang PAGKAPANTAY-PANTAY na siyang pondasyon ng kalayaan ng Estados Unidos. Maraming pa ring alipin (Black Americans) sa America makalipas ang maraming taon ng kasarinlan. Kaya noong July 9, 1868, sa ika-14 na pagkakataon, muling sinusugan ang saligang batas ng Estados Unidos at dito na lumutang ang “EQUAL PROTECTION CLAUSE.” Maraming batas ang binaliktad. Ang pagbabawal sa isang Negro na mapasama sa Jury, ang diskriminasyon laban sa mga Intsik sa negosyong paglalaba, ay ilang lamang sa mga naituwid ang landas.


DATAPWA’T nagpatuloy pa rin ang pagdapurak sa karapatan ng mga de-kulay ang balat na mga Amerikano. Si James “Jesse” Cleveland Owens, isang di pangkaraniwang atleta na African American na humakot ng Apat na Medalyang Ginto matapos magtatag ng tatlong world records at pantayan ang isa pa sa 1936 Berlin Olympics, ay ni hindi magawang imbitahan at parangalan sa White House ni Franklin Delano Roosevelt na noon ay pangulo ng Estados Unidos. Gayundin ang successor nitong si President Harry S. Truman. Bakit? 


Dahil sa diskriminasyon. Ayaw talagang intindihan o unawain ng karamihan ang “EQUAL PROTECTION CLAUSE.” Dapatwat kahit manuwari’y nagkaroon din naman ng testimonial dinner, parangal para kay Jesse, ngunit matapos siyang pagsalitain agad siyang pinalabas sa venue. Ni hindi siya maaring maupo man lamang lalo’t higit kumain, sa Testimonial Dinner in his honor. 
Hindi nila matanggap na kapareho nila, mga anak din ng Diyos ang mga African Americans at iba pang de-kulay ang balat na mga ipinanganak o naturalays nang mamamayan ng Estados Unidos. Parang tayong mga Pilipino din sa panahon ng kastila. Hanggang ngayon ganoon pa rin ba?


NASAKSIHAN mismo ng noon ay pangulo ng US, President John F. Kennedy, kung gaano ka marahas binuwag ang rally na pinamumunuan ni Martin Luther King. Na imbento na kasi noon ang telebisyon. Kaya sa kanyang civil rights speech noong a-11 ng Hunyo 1963 humirit siya ng isang batas na magbibigay diin sa pagka PANTAY-PANTAY sa karapatan ng lahat ng mamamayang Amerikano, anuman ang kulay ng balat nito.


Ang panukala, gaya ng inasahan ay mahigpit na tinutulan sa kongreso. Ngunit, makaraang mapaslang ang pangulo noong taon ding iyon, at bilang pagbibigay-pugay na din, kasama na rin ang kaukulang respeto, nalagdaan ni President Johnson noong July 2 ang: “The Civil Rights Act of 1964.”  


LAYUNIN ng EO Numero Uno na lumutang ang KATOTOHANAN. Ang EO ay pabor din sa panig ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kung totoong malinis ang kanyang budhi. Muntik ko nang masabing “ayon sa kanya,” ngunit bigla kong naalalang ni minsan ay hindi niya pa TAHASANG ITINANGGI ang mga paratang laban sa kanya. At least, wala akong maalala. Maging ang kanyang mga kaalyadong kagaya ni Congressman LAGYAN (erratum: Lagman) ay hindi ko rin nakaringgan ng ganun.


MAGKATUNGGALI sa usaping ito (pagpapalutang ng katotohanan) ang dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo, et al, sa isang banda at ang SAMBAYANANG PILIPINO sa kabilang panig. KATAKOT-TAKOT na salapi sa kaban ng bayan ang ninakan (sa gitna na labis na kahirapan ng karamihan sa mga Pinoy)  diumano ng dating pangulo sampu ng kanyang mga kampon. Iyan po ang isyu sa usaping ito. Ang Kataas-taasang Hukuman (hindi KAGULANG-GULANGAN) naman ang siyang pinal na Referee.


NAKATALA na sa ating kasaysayan na kaya napa-upo sa puwesto ang dating pangulo (GMA) dahil sinabi ng Referee na nag bitiw na sa puwesto ang noon ay duly elected president, Erap Estrada. Tinawag nila itong ”CONSTRUCTIVE RESIGNATION.” Hindi natin alam iyon at huwag na ninyo hanapin kasi wala ito sa saligang batas. 


EXECUTIVE PRIVILEGE naman ang kanilang pauso para huwag malitis at manatili sa puwesto ang noon ay nakaupo (ngunit isinusuka na ng sambayanang Pilipino) nang pangulong GMA, laban sa mga aligasyon ng PAGNANAKAW NG KUWARTA ng kaban ng bayan, at pagnanakaw BOTO ng mamamayan sa halalan, at iba pa. 


Ika nga ni Ms. Susan Roces: “YOU STOLEN THE PRESIDENCY NOT ONCE BUT TWICE,” kay GMA.  


KAPWA KO PINOY, ang “EQUAL PROTECTION CLAUSE” sa kasayasayan ng demokrasya sa United States of America, na ating kinopya, sa bao ng buko (in a nutshell), ito ang ay pananggalang ng mga maliliit laban sa MALALAKI. Panangga ng mga mahihina laban sa mga MALALAKAS. Proteksyon ng mga napaglalamangan laban sa mga Ganid, Manhid, at Abusado. Proteksyon ng mga langgam laban sa mga BUWAYA. 


NAWAGLIT, hindi lamang sa isang saglit, sa isipan ng sham na Hurado (excluding the CJ) ang ARTICLE XI sa saligang batas: ACCOUNTABILITY OF PUBLIC OFFICERS, kung saan nakasaad – Section 1. Public office is a public trust. Public officers and employees must, at all times, be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency; act with patriotism and justice, and lead modest lives.


MALINAW sa hatol ng Korte Suprema na kinakailangan nilang protektahan ang isang langgam laban sa isang buwaya. Ang LANGGAM sa paningin ng Kataas-taasang Hukuma sa usaping ito ay walang iba kung hindi si GLORIA MACAPAGAL-ARROYO. At, ang BUWAYA ay ang SAMBAYANANG PILIPINO. sa ayaw man natin o gusto. PAYAG BA KAYO!?


- 0o0 -


Patalastas: Ang Coronavirus ay madaling dumapo sa mga aso lalong-lalo na sa mga TUTA. Ang virus ay madaling naisasalin at mapaminsala sa tao. Para makaiwas sa pinsalang maaring maidulot ng CORONAvirus, IWASANG MAGDIDIDIKIT mga ASO’T TUTA!
ATOMIC ELECTRICITY,

SLEEPING BEAUTY

KILATIS by Kit “Kilatis” Lagare

Posted 24 November 2010

1:47 p.m.

 

KAUNAUNAHANG BANSA SA ASYA na nagpatayo ng plantang nukliyar pang kuryente. Wala ng iba pa. Ang Pilipinas iyon. Ang galing ng Pilipinas. Nagpapauso. Hindi sumusunod lamang o gaga-gaya-puto-maya.

Iyon nga lang, naitayo nga agad namang itinumba at pinatulog ng walang humpay! Matapos na dumaan sa butas ng karayom (pagsusuri ng mga kaulungan ahensiya). Matapos na ang buong Parliyamento noon ay pumunta mismo sa Bataan upang kilatising mabuti ang planta, ika nga ni Atty. Homobono Adaza na dating Parliamentarian at kasama sa pag-inspeksiyon, basta na lamang isinantabi ng pumalit na administrasyong Cory Aquino ang proyekto, nang walang kalaban-laban. Sa paningin ni Atty. Adaza, isyu ng kurapsiyon ang pinakamatinding dahilan kaya na-mothballed ito.

Pati ang usaping legal na nakabinbin noon sa Korte Suprema ay naglaho din na parang bula. Walang tuldok hanggang ngayon.

Delikado ang lugar na kinalalagyan ng BNPP dahil may earthquake Fault-line sa ilalim nito. Ito ba’y totoo? “Kasinungalingan,” sabi sa akin ni Philvocs Director Renato Solidum,Jr., noong siya’y aking tanungin sa Daungan Media Forum ng aming Liga ng mga Brodkaster sa Pilipinas. Kung hindi totoo, lumalabas pananakot lang ang motibo kaya pinalutang iyon noon. Sino naman ang nagpalutang niyon? Isang bagay ang tiyak, hindi pa lumulutang sa ilog Pasig ang kung sinuman nagpalutang niyon. Puwede bang sabihin na sinuman ang may kagagawan noon ay malaki ang pakibangan sa pagiging sleeping beauty ng BNPP? Sino-sino nga ba ang nakinabang?

Kung totoong may nangulimbat ng limpak-limpak sa pagpatayo ng BNPP, bakit hindi hinanap at siningil ang taong iyon? Maging sino man siya, ng bagong administrasyon? Bakit kailangan sunugin ang buong bahay para puksain ang mangilan-ngilang anay?

Doble dagok tuloy ang inabot ng sambayanang Pinoy. Una, hindi naibalik ang kinurakot kung totoo ngang may nangurakot. At, pangalawa, nasayang ang buong proyekto. Kung pinayagang mag-opereyt ang BNPP nakabawi sana. At malamang kaysa hindi, hindi tayo nangungulilat kumpara sa ating mga kalapit-bansa sa larangan ng ekonomiya sa panahong ito.

Marami tuloy ang naniniwala na ang mga may-ari ng mga kompanyang distribyutor ng koryente at ng mga Independent Power Producer (IPP’s) ang talagang mga BIG WINNERS! Sila’y mga naging, hindi lamang super rich kungdi talagang FILTHY RICH! Sila ang mga lubos na pinagpala sa gitna ng pagkakaparewara ng sambayanang Filipino.

Simula ng matagumpay na naitulak ni noon ay Senadora Gloria Macapagal-Arroyo ang GATT-WTO (December 1994 – pamaskong handog), at sinundan ng EPIRA LAW (2001), isa-isa ng nagsipagsara ang mga kompanya o pabrika sa loob ng bansa. Nagsilipat sa ibang bansa kong saan mura ang gastos sa produksiyon. Pangunahing gastos siyempre kuryente. At, kapag presyo ng kuryente pag-uusapan mas naungusan na natin ang Japan. 17 cents (US$) per kWh lang sila o halagang Pitong piso at labing apat na kusing, samantalang Sampung piso at limanpo’t tatlong kusing ang sa atin.

Pangguguyo ng mga nagtulak ng Epira noon, sisigla ang kompitisyon kaya bababa ang presyo ng kuryente sa sandaling walang kukontra sa Eipira. Kahit itaga pa sa bato. Hindi bato ang dapat pinagtatataga. Daing nga Atty. Adaza, ang dating binayaran niya sa kuryenteng labing dalawang libo, aba’y kuntodo asenso na, Trenta’y sais mil na ngayon.

Paliwanag kahapon sa mga mamamahayag sa Kilatis Media Forum ni Dr. Alumanda de la Rosa, ang direktor ng Philippine Nuclear Research Institute, para patakbuhin ang isang One Million Kilowatt Power Plant sa loob ng isang taon sa panggatong na coal kailangan ang 2.2 million tons. Kapag naman langis ang gagamiting panggatong, 1.2 million tons naman ang kailangan. 1.1 million tons naman kapag Natural Gas. Ngunit, datapwa’t subalit, alam ba ninyo kung ilang tonelada lamang ang kakailanganin na panggatong sa plantang nukliyar? Tatlumpong tonelada lamang!

Nananawagan din ang Director ng PNRI na rebisahin ng kongreso ang batas at bigyan daan ang pagtatag ng isa pang ahensiya na nakapokus sa regulasyon para isang trabaho na lang ang kanilang pagtutuunan ng pansin. Ang promosyon.

Wala ding dapat ikabahala ang publiko dahil ayon kay Dr. Cristina Petrache, ang Hepe ng Nuclear Services and Training Division ng PNRI, natuto na ang mundo sa mga anuna ng sakuna at, bukod sa pulido ang mga bagong safety measures, patuloy pa rin ang tutok ng mga eksperto dito upang lalong mapanatiling ligtas ang operasyon ng mga plantang nukliyar. Taliwas aniya sa paniniwalang iminulat sa taong bayan noon, ang mga ito ay makakalikasan, mura at malinis na pagkukunan ng suplay ng kuryente at higit sa lahat, ligtas gamitin.

Mahaba-haba na ring panahong natutulog sa pansitan ang Congressional Oversight Committee on Energy. Katunayan, noong tinanong ko si Direktor de la Rosa, ni minsan daw ay hindi sila ipinatawag man lang ng Komitibang ito, mula pa 1986, para magkape man lang. Aba’y di mas lalong walang panahon ang komitibang ito para pag-usapan ang lubhang kinakailangan para umunlad ang lugmok nating bayan, ang ATOMIC ELECTRICITY.

Bandilang kapos. Pilipinas iyon. Nauna pero nangulilat. Nagtayo ng kaunaunahang plantang nukliyar pero sa halip makinabang, napalautan. Ang mga bokya noon nangunguna na ngayon. Japan: merong 55, 2 ginagawa, 12 nakaplano, at, 1 binabalak. South Korea: merong 20, 6 ginagawa, 6 nakaplano. India: merong 19, 4 ginagawa, 20 nakaplano, at 40 binabalak. China: merong 11, 23 ginagawa, 34 nakaplano, at 120 binabalak. Taiwan: merong 6, at, 2 nakaplano. Pakistan: merong 2, 1 ginagawa, 2 nakaplano, at, 2 binabalak. Vietnam: 4 nakaplano, at, 6 binabalak. Thailand: 2 nakaplano, 4 binabalak. Philippines: 1 lang at balak pa lang gawin.

Ang mga nakaraang miyembro ng nabanggit na komite ay bising-bisi sa praybitisasyon ng NAPOCOR. Ang praybitisasyon ay apelyedo ng KURAPSYON, period. Ngayong Aquino na ang apelyedo na ating pangulo, tutuwid na kaya ang kanilang landas?

Suma total, ang atomic electricity ay mura, malinis, at ligtas gamitin. Kayang patakbuhin ito ng PNRI sa loob ng tatlong taon mula ngayon. Iyan ay kung agad aprubahan ng kongreso ang budget na na kanilang hirit. Kung hindi nila magagawa ang bagay na iyan, mabuti pang matulog na sila ng tuluyan dahil wala silang silbi sa bayan. Higit sa lahat, alam ba ninyo na ang ating binabayaran ngayon sa kuryente, kada kWh ay Sampung piso at Limanpu’t tatlong sentimo? At, alam po ba ninyo kong magkano na lang ang bawat kWh kapag plantang nukliyar ang gumagana? KALAHATING KUSING! 



Title.

Paragraph.
PREPARASYON AT TUMBOK

posted 19 November 2010

6:23 pm

 

            GINTO AT PILAK ang hinakot ng ating pambato sa 9-ball billiard competition, sa kasalukuyang ginaganap na 16th Asian Games. Malaking balita na ito para sa ating bansa. Ang makakuha ng mangilan-ngilang ginto sa palakasang nabanggit. At, kung itataas pa natin ang antas ng labanan sa Olympic, bokya pa rin tayo pagdating sa medalyang ginto.

            Ang preparasyon at tumbok ay mga pangunahing armas na taglay ng isang magaling na manlalaro sa bilyar. Masasabing matitinik dito ang ating mga pambato kaya sila’y namamayani sa larangang ito.

            Katulad ng manok at itlog walang kamatayan din ang debate kung alin ang mauuna... ang preparasyon ba o ang tumbok? Dahil ako man ay nagugulumihan, aking tinanong si George Miguel, ang spotter sa bilyaran sa kanto, hinggil dito. At, walang kagatol-gatol ang kanyang sagot: “ang idol kong si Bata... may preparasyon na may tumbok pa! Kaya nga sa kanya ako eh!”

            Sa pinali ng Voice of the Youth Impromptu Speaking Competition (District Level-spearheaded by the Rotary Club of Mega Edsa, RI District 3780) na ginanap sa Central Colleges of the Philippines noong nakaraang Sabado, ang tanong sa labing-tatlong finalist ay:  “ano ang iyong gagawin sa loob ng unang 100 araw bilang pangulo ng Pilipinas?”

            Kung nagkataon lamang ba o nakakitaan ng kapalpakan o kagalingang sa pagganap ng tungkulin sa nakalipas na unang 100 araw ang kasalukuyang pangulo, ay hindi maliwanag. Ngunit malinaw na ang hahanapin ng mga hurado (kinabibilangan ni Jarius Bondoc), ay preparasyon at tumbok sa mga plataporma ng labing-tatlong pangulo, sa loob ng tigli-limang minuto nilang termino.

Bakas ang kagalakan sa isa sa mga kalahok dahil ayon sa kanya natupad na ang kanyang pangarap noong siya’y bata pa. Ang maging pangulo ng bansa, kahit ba sa loob lamang ng limang minuto ito. Bawat kalahok (high school students), ay binigyan lamang ng walong minutong pagmuni-muni hinggil sa paksa. At, limang minuto naman ang natakda sa paghahayag.

Sa kabuuan, dala marahil ng kanilang pagiging estudyante, sumentro sa pagpapataas ng antas ng edukasyon ang natutumbok sa kanilang mga talumpati. Pangangailangan na sanayin ang mga tagapag-sanay, kakulangan ng silid-aralan at mga tamang libro ang uunahin nilang ilagay sa tono. Napasadahan din ang kakulangan ng mapagtatrabahuan sa loob ng bansa na nagreresulta sa pagkakahiwa-hiwalay ng mag-aasawa na lubhang nakakaapekto sa mga anak.  Maging ang naghihingalong ekonomiya ay hindi rin nakaligtas sa mata ng mga bata. Paggigiit pa ng isa sa limang-minutong pangulo, walang kuwenta sa kanya ang sasabihin ng tao. Tuloy-tuloy niyang gagawin ang para sa kanya ay dapat gawin sa goberno.

Walong minutong paghahanda at limang minutong paghahayag na may kasamang kalabog ng dibdib, dagdagan pa ng kakulangan pa sa kasanayan (dahil nga mga high school students pa lamang sila), ano ang maaring asahan?

Ganun pa man, masasabing may preparasyon at tumbok na  ipinamalas ang mga kalahok at anumang pagkukulang ay maiintindihan at palalampasin na siguro ninuman, maging ni Senadora Mirriam.

Kung iisa-isahin ang mga samo’t saring sanhi at dahilan bakit lugmok ang ating kalagayan at tayo’y napag-iiwanan na maging ng ating mga kapit-rehiyon na dati rati’y walang binatbat sa atin, sa dami ng mga Pinoy Henyo at mga Talentadong Pinoy, mahabang balitaktakan at malamang magkakaubusan pa ng laway.

Kaya paiikliin ko na lang ang aking argumento sa dalawang punto. Una, sumugal ang Britanya at sumunod ang Estados Unidos, sa pagpapagawa ng Nuclear Power Plant noong 1958. Maunlad ba sila ngayon? Ilang Nuclear Power Plant mayron ngayon at ilan pa ang kasalukuyang ginagawa sa China? Umuunlad ba ang China? Pangalawa, tumatalima na ba ang mga taga-goberno sa atas ni Romulo Neri kay Jun Lozada na: “MODERATE THEIR GREED!”

Natumbok na nauna ang itlog kaysa sa manok dahil kay Adan. Masasabi ding magagawa lang ang preparasyon kapag natumbok ang problema o mga bagay na dapat gawin. Ang tanong, natumbok na ba ni PNoy sampu ng kanyang mga tininbang-ngunit kulang (sabi ni senadora Mirriam light-weight) na gabinete, ang mga prayoridad na gagawin ng pamahalaan para sa kapakanan ng taumbayan, at ano ang kanilang preparasyon?  

KILATIS

by Kit “Kilatis” Lagare

November 1, 2010

12:31 pm

 

ANG BANGKETA AY LABAS SA KALAKALAN NG MGA JUAN

(Sidewalk is beyond the commerce of men)

 

HARI ka man sa loob ng iyong tahanan (lalo na kapag may basbas ni misis), kuwidaw ka sa labas dahil ang bangketa ay para sa lahat. Hindi ka maaring maghari-harian kahit pa sa bangketang nasa harap mismo ng iyong tahanan.

Iyan ang kalakaran sa ating lipunan. Iyan ang sinabi ng Korte Suprema. At, iyan ay isang MAKATARUNGANG KALAKARAN. Bakit, bakit, at bakit? Kilatisin natin.

Sa paunang sa salita o buod (Preamble) ng saligang batas ng Pilipinas (Kilatis translation), ito ang nakasaad:

Kami, ang mga bosing na sambayanang Pilipino, na dumulog sa makapangyarihang Diyos upang humubog ng isang makatarungan at makataong lipunan na tatatag ng isang pamahalaan na kakatawan sa aming mga mithiin at adhikain, magtataguyod ng pangkalahatang kabutihan, mangangalaga at magpapaunlad ng aming mga pamana-ng-lahi upang tiyaking makamit ng aming mga sarili at ng mga susunod pang salinlahi ang biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng kalakarang makatarungan at pamahalaang puspos ng katotohan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, at kapayapaan, ay binasbasan at inihahayag ang konstitusyong ito.

At upang tiyaking malinaw para sa lahat ang kahulugan, lalo pang pinagdiinan ito sa pamamagitan ng deklarasyon ng mga prinsipyo at mga polisiya ng Estado na nakapaloob sa Seksyon 9, Artikulo II (Kilatis translation pa rin):

Ang Estado ay magtataguyod ng makatarungang at kagila-gilalas na panlipunang kalakaran upang siguraduhin ang kaunlaran at kalayaan ng bansa at palayain ang taumbayan sa kahirapan sa pamamagitan ng mga polisiya na nakapagbibigay ng sapat na serbisyong pangkalahatan, pagsulong ng pagkakaroon ng hanap-buhay para sa lahat, tumataas na antas ng kabuhayan, at maunlad na kalidad ng buhay para sa lahat.

Lumalabas na maging ang ating mga kaaway sa inuman, ay hindi natin maaring pagbawalan na dumaan sa bangketa sa harap ng ating bahay. Ito ba’y makatarungan? Para sa indibidwal, siyempre hindi. Galit siya doon sa kumpare niya kaya lahat ng kaya niyang gawin para makaganti’y gagawin nito. Animal instict, kung baga.

Pero makatarungan para sa pangkalahatang kabutihan sa samo’t saring dahilan. Iwas bundol ng sasakyan, at mibilis na makakarating sa pupuntahang trabaho o negosyo o anupaman, kung walang nakahambalang sa bangketang dadaanan. Iyan ay ilan lamang sa mga buting dulot ng naturang kalakaran.

Kung ang patakarang ang bangketa ay labas sa kalakalan ng mga Juan ay matinong kalakaran sa lipunan, hindi ba dapat gayundin din, o mas lalo na ang kalakalan sa KURYENTE?

Walang duda na malaki ang papel na ginagampanan nito sa buhay ng taumbayan at sambayanan. Lalong lalo na sa panahon ngayon ng globalisasyon sa gitna ng masaklap na katotohanan na patay na ang karamihan ng mga industriya sa ating bayan.

Nagsipagsara na at lumipat sa mga bansang di hamak ang baba ng singil sa kuryente naman ang ilan.

Para remedyuhan (daw) ang masamang situwasyon nagbalangkas ng isang batas ang kongreso:

REPUBLIC ACT NO. 9136 (Epira Law of 2001)

AN ACT ORDAINING REFORMS IN THE ELECTRIC POWER INDUSTRY, AMENDING FOR THE PURPOSE CERTAIN LAWS

AND FOR OTHER PURPOSES

Be it enacted by the Senate and House of Representatives of the Philippines in Congress assembled:

DECLARATION OF POLICY…

(c) To ensure transparent and reasonable prices of electricity in a regime of free and fair competition and full public accountability to achieve greater operational and economic efficiency and enhance the competitiveness of Philippine products in the global market;

Ngunit tila baliktad ang nangyari dahil halos lahat ng nabibili ngayon sa halos lahat na pamilihan ay mga imported at karamihan ay galing sa China. Sa China kung saan murang-mura ang kuryente. Mura dahil hindi sila nagpaguyo o nagpauto na ang Nuclear Power Plant ay may masamang idudulot sa kanilang bansa. Na ang liberalisasyon ng mga industriya, lalo na kuryente, ay makabubuti. Hanggang ngayon kontrolado ng kanilang pamahalaan ang mga negosyo kaugnay dito.

Umunlad ba sila? Kitang-kita ang ibedensiya. Maunlad sila, at marami ang nakikinabang sa kaunlaran na yaon. Hindi katulad dito sa atin na iilang pamilya lamang ang nagkaroon ng kasula-sulasok ang kayaman sa gitna ng pagdarahop ng milyon-milyong Filipino.

In fairness, napansin din ito ng nakaraang pangulo, ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi ba nagtalumpati pa nga siya: “Imoral na pagpakasasa sa katakot-takot na kita ang ilang Ganid, Manhid, Arogante, at katakwil-takwil na mga mandarambong ng bayan, sa gitna ng gutom at pagdarahop ng milyon-milyong Pinoy!@#” (parang ganyan yata, o kahalintulad, ang kanyang mga binitiwang salita noon).

Pero, siyempre, sabi niya lang iyon. Pabalat-bunga lang ba. Masabi lang na may simpatiya siya sa mga inaapi ay dinudugasan, at inaagawan ng pagkain sa hapag kainan, pero ala naman talaga sa loob niya ito. Bakit, may nangyari ba sa mga sinabi niya? Binawi niya ang kanyang suporta sa pag-amiyenda sa Epira.

Ang mga manggagawang Pinoy na naaapektuhan ng pagsara ng mga kompanya ay kinakailangang maghanap ng trabaho sa ibayong dagat. Resulta, napapariwara ang mga anak dahil, kungdi walang tatay na nagbabantay o sumusubaybay, wala si nanay para bantayan si tatay, at bise bersa. Nawawasak ang pamilya dahil sa pangangailangan ng katawang-lupa ng mga mag-asawang lubhang apektado sanhi ng distansya sa isa’t isa.

Sa ibayong dagat, may mga kababayan tayong bigla na lamang nagtatatalon sa tuwa matapos mabasa ang sulat ng asawa. “Tatay na ako, tatay na ako mga kasama!” Makikituwa din sana ang kanyang mga kasama pero bigla nilang naalala... tatlong taon na pala silang pare-parehong hindi umuuwi.

May mga RUN-AWAY MAID tayong mga kababayan sa ibayong dagat na matapos nakatakas sa kamay ng mga abusado at manyak na amo at kanlungin ng Imbahada ay inakalang ligtas na sa panganib ang sarili. Iyon pala’y ibubugaw din sila ng mga taong dapat ay magbibigay proteksiyon sa kanila.

Ang mga nabanggit ay iilan lamang sa mga kalunos-lunos na bunga ng mga MALING KALAKARAN SA ATING LIPUNAN, partikular na sa kalakalan ng kuryente. Kung iisa-isahin natin ang mga iba pa, baka abutin tayo ng isa pang araw ng mga Santo, na naman, nang hindi pa rin natin naumpisahang putulin mga sungay ng mga DAMONYONG nagpapaikot ng buhay nating mga Filipino, sa kani-kanilang mga palad.

Maliwanag na ang EPIRA LAW (umpisa pa lamang namudmod na ng pera ang nagtaguyod nito) ay dinisensyo upang gawing legal ang pangungulimbat ng mga gahaman sa industriya ng kuryente. Tayong taumbayan ay inuto lamang sa pangakong bababa ang presyo ng kuryente dahil sa batas na ito. Ano ang nangyari?

Ang binabayaran ng PhP300 pesos noong wala pa ang batas na ito, Php3,000 pesos na sa ngayon. At ang masaklap pang nagdudumilat na katotohanan, konti na lang ang kulang PhP1 TRILLON na ang UTANG NA YAN ng NAPOCOR. Eh, ano ngayon?

Wala lang, ang NAPOCOR ay pag-aari lang naman ng taong bayan. Ano man ang pagkakautang ng NAPOCOR ay pagkakautang ng taumbayan. Ito naman din ay ipapasa ng taumbayan. “Ipapasa naman pala, di okey lang.” Ipapasa ng taumbayan sa mga konsyumer ng kuryente. “Tayo din iyon ah.” Sinabi mo pa.

Samantalang ang mga konsumidong konsyumer ng kuryente ay napapalautan ng mahal na presyo ng kuryente at pagbabayad ng UTANG NA YAN ng NAPOCOR, ang mga gumagawa, nagtatranspo, at nagdidistribyut ng kuryente ay MALIGAYA SA BUHAY. Bakit” Aba’y “KURYENTE’Y TANSO PERO PRESYO’Y GINTO!”

Halimbawa: Kamakailan ay buong PAGKALALAKING ipinagmalaki ni Manny Pangilinan (tuta ni Suharto ng Indonesia), ang bagong Hari ng Meralco, na sila’y kumita ng 9B sa loob ng siyam na buwan pa lamang, at itinaas na nila ang inaasahang kita, PhP11.5B mula PhP11B, sa taong ito. Ang galing ng GANID nila! Mabulunan sana ng bilyon-bilyon sila. Imoral kayo! Ang sabi ni GMA.

Bukod diyan may bonus pa sila. Hindi sila kasali sa mga kunsumidong konsyumer na magbabayad ng UTANG NA YAN, ng NAPOCOR dahil libre ang kuryente nila. Nakasaad iyan sa Epira Law. “Libre naman pala kuryente nila, ba’t hindi pa nila kabitan ng kuryente pati mga balls (mahalay kasi kapag sinabing bayag) nila. Suhestiyon lang,” sabi ni Totoy Poste. Bakit poste? Kilala kasi siyang playboy sa barangay nila. Playboy as in pati poste kapag nilagyan ng palda’y nililigawan niya.

Ang ponto mga kapwa ko Pinoy, tayo, tayong mga BOSING sa ating Lupang Hinirang… na dumulog pa sa DIYOS na mapangyarihan sa lahat, upang HUMUBOG ng isang MAKATARUNGANG AT MAKATAONG LIPUNAN NA MAGTATATAG NG ISANG PAMAHALAAN NA KAKATAWAN SA ATING MGA MITHIIN AT ADHIKAIN, ito ba ay natugunan ng kinauukulan at ating nakamtan… ang mga biyaya ng KALAYAAN at DEMOKRASYA?

Mahaba-haba ang debate diyan. Maaring maririnig na naman natin ang kaungasang argagomento na: “anong gusto ninyo murang kuryente na wala, o mahal na kuryenteng andidiyan?” Puwede ding nilang ipaggigiitang tama lamang ang ipinapatong nilang kita sa laki ng kanilang puhunan at kabayaran sa kanilang kakayahan.

Hindi lahat ng Filipino ay nabibiyayaan ng Estado ng prangkesa katulad ng sa Meralco, at magkaroon ng pangkabuhayan o hanapbuhay, na sigurado ang kita. Espesyal na Filipino ba ang mga Lopez, Pangilinan, at si Suharto (ni hindi nga Filipino) at sila’y mga LUBOS NA PINAGPALA?

Sila lang ba ang may kakayahang mangalap o mangutang ng puhunan at magpatakbo ng kompanya ng kuryente? Sigudong marami ang papantay kungdi man hihigit sa kanilang kakayahan. Pero sila nga ang LUBOS NA PINAGPALA. Kung sa magkanong dahilan... ay alamin natin iyan.  

Ang sundot-sagad (bottom line), mga kapwa ko Pinoy at mga taga-industriya ng kuryente at mga aliping taga-pamahala ay simplihan na lang natin: Kung ang bangketa’y labas sa kalakalan ng mga Juan dahil sa ito ay para sa kapakinabangan ng lahat, hindi ba mas lalong higit ang industriya ng kuryente dahil dito nakasasalalay ang kapakanan at kinabukasan ng bawat Filipino, ng ating bansa, at ng mga susunod pang salinlahi?

Kung ganun nga, hindi ba dapat ang mga may PUSONG MAKA-FILIPINO AT MAKABAYAN lamang ang karapat-dapat bigyan ng anumang prangkesa sa kalakalan ng kuryente ng pamahalaan? At kung hindi handa ang pamahalaan na gamitin ang kanyang kapangyarihan, dapat ay handa ang taumbayanan na manindigan at ipaggiitan ito?

Alinsunod sa ARTICLE XII, NATIONAL ECONOMY AND PATRIMONY Section 18:

The State may, in the interest of national welfare or defense, establish and operate vital industries and, upon payment of just compensation, transfer to public ownership utilities and other private enterprises to be operated by the Government.

Kapag nangungutang ng puhunan itong mga pinagpalang nabibiyayaan ng prangkesa o kontrata ng pamahalaan with matching “SOVEREIGN GUARANTEE,” tayo, ang sovereign Filipino people, ang sangkalan. Tayo ang magbabayad sakaling magmintis sila. Sa babayaran nating UTANG NA YAN ng NAPOCOR, malaking bahagi ay sanhi ng garantiyang ibinigay ng pamahalaan.

Bakit hindi na lang mismong tayo, bilang indibidwal ang magmamay-ari ng mga ito? Bilang taumbayan na nagmamay-ari ng NAPOCOR wala tayong kabig. Puro tulak. Bilang indibidwal na magmay-ari ng NAPOCOR man o Meralco, tiyak may kakabigin tayo.

Pano, ganun na lang… kung hindi sila titino!?  

                                                                    WEYSELBLOWING:
                                                        ADBENTIYURISIM O PATRIYUTISIM?


Ika sa PAMBANSANG AWIT, hindi lang perlas ng silanganan, duyan pa ng mga magiting ang ating lupang hinirang. Hindi din lang basta magiting, buhay-na-buhay ang alab ng puso. Alab ng puso na di pasisiil sa manlulupig. At, kaligayahan ang mamatay, kapag may mang-api sa Inang Bayan at Sambayanang Filipino.


Tayong mga Pinoy ay namanata sa iniibig nating Pilipinas na bilang ganti sa kanyang pagkupkop, susundin natin ang mga alituntunin ay maging masunurin sa batas ng walang pag-iimbot at buong katapatan. At ang pinaka: ”Sisikapin natin ang maging isang tunay na Filipino sa ISIP, SALITA, at GAWA."

Kung ikaw ay isang kawani ng pamahalaan... suguro naman ay tanda mo pa. Ikaw ay nanumpa sa tungkulin. Isa doon ay ang: ”MAGSASALITA AKO LABAN SA KATIWALIAN AT PANANAMANTALA.”

PLASTIK AT DRAWING lang ang mga iyan. Tatanggapin na lamang ba natin na ito ang umiiral na kaisipan ng marami sa atin kung pag-uusapan ang tungkulin ng bawat isa ng may pagsasaalang-alang sa mga prinsipyo ng bayan?

Sina: Dr. Jose Rizal, naniwalang ”WALANG MANG-AAPI KUNG WALANG MAGPAPAAPI,” nanindigan, at nagbuwis ng buhay; Andres Bonifacio na nagtatag ng KATAAS-TAASAN, KAGAGANG-GALANGAN, KATIPUNAN NG MGA ANAK NG BAYAN upang labanan ang mga durobong lahi ni Padre Damaso; Ninoy Aquino na naniwalang ”Filipino is worth dying for”; at, marami pang iba... sila ba ay mga WEYSELBLOWER ding maituturing? Katulad din ba sila nina: Sandra Cam; Antonio Trillanes IV; Col. Ariel Querubin; Maj. Gen. Renato Miranda; Gen. Danny Lim; Sgt. Vidal Doble; Atty. Sammy Ong; Jun Lozada; Dante Madriaga; at marami pang iba; at, ang mga namatay o pinatay na sina Marlene Esperat at Boy Mayor?

Makatarungan ba kung suriing mabuti ang kanilang motibo sa ginawa nilang pagpito? Pansariling pakinabang ba ang nag-udyok sa kanila, o mas makinabang ang sambayanan? Naisakripisyo ba nila ang kanilang sarili at mga mahal sa buhay, para sa kapakanan ng mas marami Filipino? Higit sa lahat, may katotohanan ba ang kanilang mga ISINIWALAT?

Ang mga Butanding sa ka-Bicolan protektdo ng Estado. Gayundin ang mga
 endangered species o organismo na mamimilegrong mabura sa lalat ng lupa. Pati ang kaligtasan ng mga aso ay napagtuonan na ng pansin ng ating pamahalaan.

Masaklap nga lamang, itong ating mga buhay na bayaning maituring, naghihintay pa na tapunan ng pamahalaan ng KAHIT KONTING PAGTINGIN. Mistula silang mas masahol pa sa mga daga. Wala silang sariling lungga na sa kanila’y kakalinga.

Tingnan natin ang Jun Lozada. Noon iyan ay machong-macho walang duda. Ngunit huwag tayong magtataka kung kalaunay maging sister na siya. Sa tagal ba namang panahong siya’y nasa pangangalaga ng mga madre, hindi iyan malayong mangyari.

Dismayado at sisilusyunado pa rin ang taumbayan kahit bago na ang pamahalaan. Mistula kasing nakaposas ang Pnoy dahil mga KA-KUSA pa rin ni GMA ang naghahari sa Korte Suprema, Office of fthe Ombudsman at iba’t iba pang tanggapan. Marami sa kanila’y mga miyembro ng “MIDNYT APOYENTI KLUB.” Resulta, anumang makabuluhang hakbang ang isusulong ng ehekutibo at ng lehislatura ay malalagay sa balag ng alanganin. Namimilegrong  masabutahe.

Ito ang masaklap na kinakaharap hindi lamang ng pangulo ngunit lalot’y higit ng sambayanang Filipino. Nawawalan ng balanse ang tatlong magkapantay na sangay ng pamahalaan. Bakit? Kaya ng Korte  Suprema na pigilin anumang akto ng dalawang sangay. Inutil lumalabas ang Kamara at Malacanang kumpara sa Korte Suprema. Asan ngayon ang sinasabing PANTAY-PANTAY ANG TATLONG SANGAY?

Ang Korte Suprema ba ay UMABUSO nang pinatigil nito ang mababang Kapulungan sa kasong impeachment laban kay Ombudsman Gutierrez? Tingin ng marami, oo. Kaya ng puna nila, hindi na pumalag ang Korte ng ang Kamara magpasyang tuloy ang paglilitis kay Gutierrez. Patay-malisya na lang sila.

JUSTICE DELAYED IS JUSTICE DENIED. Ito ang isinambulat hindi lamang sa buong bayan kungdi sa buong mundo, ng pinakahuling WEYSELBLOWER na si PSInsp Rolando Mendoza. BUHAY ang kanyang ipinuhunan sa pagsisiwat ng kabuktutang nangyayari sa Office of the Ombudsman.

Ginawa niya ito hindi lamang para sa sariling kapakanan (sadya man o hindi) dahil laksa-laksang kahilintulad na kaso ang ginagawang inuduro sa naturang tanggapan. Kung totoo ang sinabi ni Mendoza na kinukutongan siya ng 150K ni Deputy Ombudsman Emilio Gonzales, dapat kapunin iyang si Gonzales at ang mga katulad niya, para huwag nang dumami ang kanilang lahi.

Ang paglutang (na kaalinsabay ay pagdurusa) ng mga WEYSELBLOWER karapat-dapat pag-uukulan ng karampatang pansin ng kinauukulan at ng Sambayanang Filipino. Huli man daw at magaling ay naihahabol din, kahit huli pa rin. Huwag sanang sayangin ng kinauukulan ang pagkakataon.  Ang mga katulad nila ang pangunahing sangkap upang gamutin ang malubha ng sakit ng ating lipunan sa panahon ngayon. Sakit na dulot ng katiwalian at pananamantala ng mga nasa poder ng kapangyarihan. Marami pa ang mga katulad nilang gustong maging lunas sa sakit ng lipunan. Ngunit sila’y nakikiramdam muna. Ayaw agad sumugal. Hindi sila masisisi dahil kitang-kita naman nakapagsisisi ang maging makabayan sa mga nakaraang admistrasyong Arroyo. 


Ngayon na. Huwag nang hintaying mawala muna sila, kagaya nina Rizal, bago pa dakilain ang kanilang PATRIYUTISMO.

Title.

Picture
When is impeachment deemed “initiated”?

Alan F. Paguia

Former Professor of Law

Ateneo Law School

                             University of Batangas

                               Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

                            [email protected]

                            September 14, 2010

 

 

          In Francisco vs. House of Representatives, 415 SCRA 44, the Justices of the Supreme Court ruled that an impeachment case or proceeding is initiated when a verified complaint is filed and referred to the Committee on Justice for action, and that no second verified complaint may be accepted and referred to the committee within a period of one (1) year.

          Is this consistent with the 1987 Constitution?

NO. The Constitution expressly provides: “The House of Representatives shall have the exclusive power to initiate all cases of impeachment” (Sec. 3, No. 1, Art. XI). It further provides: “No impeachment proceedings shall be initiated against the same official more than once within a period of one (1) year. (Sec. 3, No. 5, ibid.).

In other words, no citizen can initiate any case of impeachment. Why? Under the Constitution, only the House of Representatives can do that. The House of Representatives, and no other person or entity, can properly endorse the articles of impeachment to the Senate. There is no impeachment proceeding to speak of until the House of Representatives endorses the articles of impeachment to the Senate. What about the filing of a verified complaint by a citizen, is that not an impeachment proceeding? NO. It is a proceeding towards impeachment. It is NOT YET an impeachment proceeding. It is the indictment by the House of Representatives, not the indictment by a citizen, that constitutes the true impeachment proceeding. It is thus incorrect to say that a verified complaint for impeachment filed by any citizen initiates an impeachment case or proceeding; or, that a second verified complaint filed by another citizen is covered by the one-year prohibition. 

What is the problem?

According to the Magistrates of the Supreme Court, an impeachment case or proceeding is initiated when a verified complaint by a citizen or a Member of the House of Representatives is filed and referred to the Committee on Justice for action.

According to the Constitution, an impeachment case or proceeding is initiated when the House of Representatives files with or endorses the articles of impeachment to the Senate.

This is the problem. Who should prevail – the Magistrates or the Philippine Constitution?

Since the essence of the Rule of Law is NOBODY IS ABOVE THE LAW, the clear wording and meaning of the Philippine Constitution should prevail. Why? The Magistrates are NOT ABOVE THE LAW.

What does this mean in relation to the current complaints for impeachment against the sitting Ombudsman, Merceditas Gutierrez? As follows:

1.    Such complaints, which have not been signed or endorsed by one-third of all the Members of the House of Representatives, are NOT articles of impeachment;

2.    The House of Representatives has NOT exercised its exclusive power to initiate impeachment proceedings. Therefore, NO impeachment proceeding has yet been initiated;

3.     Atty. Gutierrez is NOT yet impeached. She will be when the articles of impeachment are filed with the Senate;

4.    Other verified complaints may be filed against her for as long as NO articles of impeachment are filed with the Senate. The filing of such complaints, which are NOT articles of impeachment, is NOT PROHIBITED. What the Constitution prohibits is more than one initiation of impeachment proceedings by the House of Representatives against the same official within a period of one year.

From another legal point of view, it would appear that Atty. Gutierrez cannot properly be the subject of impeachment proceedings. Why? Because she is no longer the Ombudsman. Her tenure as Ombudsman ended by operation of law in 2009. Under the Constitution, the Ombudsman is given an indivisible term of  seven years without reappointment (Sec. 11, ART. XI). Former Ombudsman Aniano Desierto’s seven-year term was from 1995 to 2002. His successor Simeon Marcelo’s seven-year term was from 2002 to 2009. However, he did not complete his term. He resigned in 2005, and was succeeded by Atty. Gutierrez, who served the remainder of HIS term, that is, from 2005 to 2009. This constituted her tenure as Ombudsman. She never had a term of her own. As successor of Ombudsman Marcelo, Ombudsman Gutierrez shared the same seven-year term from 2002 to 2009, dividing it into two tenures. The first had, more or less, a tenure of three years, while the second had, more or less, a tenure of four years. The seven-year term established by the Constitution for each Ombudsman follows one after the other in logical unbroken chain. To rule otherwise would be to break the chain or violate the Constitution.

Consequently, there appears no real need to impeach Atty. Gutierrez. All President Benigno Aquino III has to do is: (a) declare the position of Ombudsman VACANT since 2009, and (b) APPOINT a new Ombudsman. 


Picture