ANG KURYENTE'Y TANSO, BAKIT PRESYO'Y GINTO!?
KADILIMAN...TANGLAW NG ISIPAN NG KINAUUKULAN!?
Oktubre 22, 2010 
11:15 ng umaga


            TRENTA SENTIMO lamang ang dapat sa bawat pisong ibinabayad ng mga kumsomidong kunsyumer sa kuryente. Iyan po ay ayun sa pag-aaral  ng grupong NASECOR na pinamumunuan ni Pete Ilagan. Siya, at ang mga kasama niyang sina Butch Junia (Publisher ng Opinyon tabloid newspaper), at Jojo Borja (stockholder, Iligan Lights and Power Corp.), ay panauhin sa Brodkaster's Forum sa Rembrandt Hotel, kahapon.
            Dismayadong dismayado na ang grupo dahil sa pagte-tengang kawali diumano ng ERB sa kanilang kahilingan na makakuha ng mga dokumentong may kaugnayan sa pamamalakad at kinikita ng mga kompanya ng kuryente. Mahalaga ayun sa kanilang makilatis ng husto ang mga naturang dokumento upang mapatunayan kung ang mga alituntunin ng mga umiiral na batas ay nasusunod. Ang mga batas na tinutukoy ay nagbibibigay proteksiyon sa mga konsyumer laban sa mga gahaman sa tubo na mga kompanya.
            Sa darating na Martes ang grupong NASECOR kasama ang ibang mga samahan na kinabibilangan ng mga Homeowners Association ay panauhin sa "Kilatis Panday-lipunan, Pulong Balitaan. Inaasahan na ihahayag ng grupo ang kanilang mga batayan sa pagkontra sa mala-holdap na presyo ng elektrisidad. Hihikayatin din ng grupo ang mga kumsyumer ng elektisidad na makiisa sa binabalak na pagpatay ng ilaw isang beses isang linggo upang mapag-ukulan ng karampatang pansin ang isyu, ng kinauukulan, partikular ang Kongreso at ang Energy Regulatory Commission.
- Kilatis

KAUNGASAN NG ISANG HUKOM, ILALANTAD
Oktubre 21, 2010

            Isang dati nang Weyselblower, ayaw muna magpabanggit ng pangalan, ang aalalay sa isa na namang bagong Weyselblower na magbubulgar ng mga katiwaliang kinasasangkutan ng isang mataas na Hukom. Ayaw din munang magpabanggit ng pangalan ang sinasabing bagong Weyselblower. Siya ay isa lamang sa marami pang ibang lalantad oras na may batas nang magbibigay proteksiyon sa mga Weselblower. 
            Marami ang sang-ayon sa panananaw na dapat lang ituring na mga BAYANI silang mga Weselblower. Ang mga ito'y naniniwalang may malaki silang (mga Weselblower) maitutulong sa bayan kaya nararapat lamang na sila'y protektahan ng estado. Tanong ng mga ito... "Kung ang mga ASO, BUTANDING, at ORGANISMO ay protektado ng estado bakit di magawa sa TAO... na MAKABAYANG PINOY?" - Kilatis